Pedal enAble

Morning mga kapatid!

Sa buong buhay ko ay di po ako maalam magbisekleta ng 2-wheeled bike. The reason being is that I cannot balance myself in a bicycle. Most of the time , I will need training wheels or just ride a bicycle with a sidecar.

Ganito rin pala sa tunay na buhay. May pagkakataon na di naman natin ginugusto na di natin makayanan na ibalanse ang buhay natin dahil sa pagsubok ng buhay. Minsan or kadalasan kailangan natin ng mga support wheels para makaarangkada sa pagbisekleta at nang makarating naman tayo sa paroroonan. Ganun din sa buhay kailangan din natin supporta ng pamilya , kamag-anak , kaibigan , kapatiran at maging volunteers para makayanan nating tahakin ang hamon ng buhay.

At dahil sa nakaraang community service na sinalihan namin nitong 3rd December 2023 , napagtanto ko kung ano ang halaga nito sa mga inalalayan naming mga pedalists na may autism , stroke patients , at may disabilities. Isa itong milestone sa kanila na matapos ang 10KM ride na may nakaagapay na support system ng mga volunteers na siguradong aalalay sa kanila pag nahilo sila , nag melt down at patuloy na pinapalakas ang loob nila na kaya nila tapusin ang ride na yun. Mga volunteers na katulad ng Ageless Bicyclists at APOAAS189 na susuportahan sila kahit pa umulan o umaraw . Mga volunteers from Singapore na di sila huhusgahan at pagtatawan kapag nahulug sila sa bike .

I guess a community service that really comes from the heart resonates the great ability of humans to push harder beyond their capability and capacity.

Love for service and helping people is an intangible ingredient to push harder to do better than what we can provide now.

Kudos APO ALUMNI ASSOCIATION IN SINGAPORE 189 and to all volunteers who joined hand in hand to make the Pedal Enable community service a succesful one on 3rd December 2023 at Waterway Point PCN .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *